Tuesday, September 18, 2007
Pamilya At Pag-ibig
Ako si Venessa Lloren labing anim na taong gulang may kursong Bachelor of Science and Business Administration. Pinanganak ako sa Marikina at dito narin ako lumaki. May dalawa akong kapatid isang lalaki (panganay namin) isang babae (ate ko) at ako naman ang bunso dapat talaga apat kami at ate na sana ako kaya lang nakunan ang Mama ko at muntik pang mamatay pitong taon na sana ang bunso namin pero siguro ayaw ni Papa Jesus na maging apat kami kasi siguro naisip niya mahirap ang buhay kaya hanggang tatlo lang talaga ang dapat maging anak nila Papa..Hmmm...sabi na iba sunod sa luho ang mga bunso pero hindi naman totoo yun mas gusto ko pa ngang maging ate para may utusan din ako (hehehe...) kasi naman nung matatanda laging utusan ang mas bata (hmm...aminin totoo di ba?)
Dumako naman tayo sa kasalukuyang buhay ko medyo dalaga na ako (medyo lang kasi naman mukha daw akong Nene sabi nila kaya nga nag-lalagay na ako na kolorete sa mukha para masabi naman nila na mukha na akong nasa kolehiyo) meron na rin akong mahalagang tao sa buhay bukod sa pamilya ko isang taon at apat na buwan na kami hindi ko nga akalain na magtatagal kami ng ganon pero kahit medyo matagal na kami ayoko paring umasa na siya na( pero sana siya na ang gulo ko ba?) kasi naman ang hirap kayang umabot ng ganitong katagal marami narin kaming pinag-daanan tampuhan dito, tampuhan don, may babae dito, may babae don, selos dito, selos don malaking HAY!!! minsan nga nakakapagod na parang paulit-ulit nalang umabot na nga kami sa isang buwan na hiwalayan noong unang buwan ng taon dahil sa isang babae HAY NAKU........ nakakainis isipin pero ayon bumalik siya at hindi ko natiis......... sa ngayon okey lang ang buhay-buhay at sana laging may liwanag ang buhay..............("Parang linya yun sa commercial ahh..")
Subscribe to:
Posts (Atom)